ANTI-DENGUE VACCINE | Mga batang nabakunahan, pinababantayan sa DOH

Manila, Philippines – Pinakikilos ni Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito ang Department of Health (DOH) para isailalim sa surveillance o mahigpit na pagbabantay ang daan-daang libong mga bata na nabigyan ng Anti-Dengue Vaccine.

Ito ay makaraang lumabas sa clinical study na ang dengvaxia mula sa Sanofi ay delikado umano sa kalusugan ng mga naturukan nito na hindi pa dinadapuan ng dengue.

Giit ni Ejercito, dapat kilalanin na ng DOH ang batang nabakunahan ng dengvaxia at imonitor na mabuti ang kanilang kondisyon.


Bukod dito ay pinapa-imbestigahan din ni Ejecito sa DOH ang mga napaulat na namatay dahil umano sa dengvaxia vaccine.

Facebook Comments