ANTI-DENGUE VACCINE | Mga magulang ng nabakunahan, pinatatawag

Manila, Philippines – Nanawagan na rin ang Department of Justice (DOJ) sa mga magulang o pamilya ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia na lumantad sa DOJ at makipagtulungan sa imbestigasyon ng NBI.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, malaking tulong sa imbestigasyon ng NBI kung ibabahagi ng mga magulang ang naging problema sa kalusugan ng mga batang nabigyan ng nasabing anti-dengue vaccine.

Inihalimbawa ni Aguirre ang sinapit ng anak ng isa niyang kaibigan sa Lucena City na nagkaroon aniya ng baby-tuberculosis at humina ang resistensya matapos mabakunahan ng kontra-dengue.


Sinabi ni Aguirre na sisilipin din ng NBI sa imbestigasyon kung may nangyaring katiwalian sa nasabing proyekto na inaprubahan ni dating Health secretary Janette Garin.

Ito ay bukod sa criminal liability ng mga nasa likod ng nasabing programa ng DOH.

Facebook Comments