Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na ginagawa ng Pamahalaan ang lahat para mapanagot ang sinumang nagkasala o nagkamali sa isyu ng Dengvaxia o dengue vaccine.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay nag-iimbestiga na ang Department of Justice (DOJ) sa nasabing issue at mas magandang hintayin nalang ang resulta nito.
Isinama na rin aniya ng Department of Justice (DOJ) sa kanilang imbestigasyon si dating Pangulong Noy-noy Aquino para malaman ang naging papel nito sa implementasyon ng gobyerno sa dengue vaccine program ng Department of Health (DOH).
Tiniyak ni Roque na mayroong mapatutunayang nagkasala ay tiyak na maparurusahan at hindi aniya magdadalawang isip ang Administrasyon na gamitin ang buong lakas ng batas laban sa mga ito.
Matatandaan na inihinto na muna ng DOH ang implementasyon ng nasabing programa hanggang hindi pa nareresolba ang issue.