ANTI-DENGUE VACCINE | Paggamit ng Dengvaxia vaccine sa mga hindi tinamaan ng dengue, hindi ligtas base sa bagong pag-aaral

Muling napatunayan sa isang bagong pag-aaral ng New England Journal of Medicine (NEJM) na hindi ligtas ang Dengvaxia vaccine sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Batay sa pag-aaral ng NEJM, kung walang naging dengue infection dati ang pasyente, ang Dengvaxia mismo ang nagsisilbi bilang “unang infection.”

Ayon naman kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, bubusisiin nila ang bagong pag-aaral at maaari rin itong ilakip sa posibleng kasong isampa laban sa Dengvaxia-maker na Sanofi Pasteur.


Sabi naman ni Health Undersecretary Eric Domingo, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa mga scientist sa bansa para sa pagde-develop ng dengue test para malaman ang pre-vaccination status ng mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Pinaplantsa na rin ng ahensiya ang pagkakaroon ng specialty centers.

Ito ay mga piling ospital sa bansa kung saan sila mismo ang tutugon sa mga komplikadong kaso ng dengue.

Facebook Comments