Manila, Philippines – Nagbanta ang Public Attorney’s Office o PAO na madadagdagan ang kasong isasampa nila sa DOJ kaugnay ng Dengvaxia controversy.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, sa mga susunod na araw ay muli silang magsasampa sa DOJ ng mga panibagong kaso.
Partikular aniyang kakasuhan nila ay ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health (DOH), gayundin ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.
Sa ngayon, may labing-limang kaso nang nakasampa sa DOJ kaugnay ng Dengvaxia anti-dengue vaccine ng DOH.
Facebook Comments