ANTI-DENGUE VACCINE | Product registration ng Dengvaxia, malabo

Manila, Philippines – Posibleng manatili ang suspensyon ng product registration ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Matatandaang matatapos na ang suspensyon nito sa December 29.

Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo – wala silang nakikitang dahilan para i-lift ang suspension.


Ang Food and Drug Administration (FDA) ang nagsuspinde ng Certificate of Product Registration (CPR) ng bakuna matapos mabigo ang manufacturer nito na Sanofi Pasteur makapag-comply sa post-marketing requirements ng ahensya.

Sakop ng suspensyon ang sale, distribution at marketing ng Dengvaxia.

Sa ngayon, naniniwala ang DOH na hindi muna maibebenta o magagamit sa bansa ang Dengvaxia dahil kahit alisin man ang suspension ay maraming tao pa rin ang ayaw na maturukan nito.

Facebook Comments