ANTI-DENGUE VACCINE | Senator Gordon, pinabibigyan ng kopya ng mga naturukan ng Dengvaxia ang lahat ng ospital

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Richard Gordon na dapat magkaroon ng kopya o koneksyon ang lahat ng ospital sa database ng kumpletong listahan ng mga naturukan ng Dengvaxia.

Ayon kay Gordon, dapat ilagay ng Department of Health (DOH) sa computer na maaring ma-access ng lahat ng ospital ang mga pangalan, eskwelahan at address ng mahigit 800,000 na nabigyan ng Dengvaxia.

Paliwanag ni Gordon, ito ay para maibigay ng lahat ng ospital, pribado man o pampubliko, ang nararapat na atensyong medikal sa mga Dengvaxia recipients.


Diin ni Gordon, mahalaga na mabigyan ng emergency treatment ang mga naturukan na ng Dengvaxia na dadapuan pa rin ng sakit na dengue.

Ang mungkahi ni Gordon ay sa harap pa rin ng pangamba na magdulot ng kapahamakan ang Dengvaxia sa mga tinurukan nito lalo na kung hindi pa nagkakaroon ng sakit na dengue.

Facebook Comments