Manila, Philippines – Nakatakdang ipresenta ng PAO at VACC ang mga biktima ng Dengvaxia kabilang ang 12 taong gulang na grade 4 pupil na nasawi umano dahil naturukan ng anti-dengue vaccine sa Mariveles Bataan.
Si Christine Mae De Guzman ay nasawi noong October 15, 2016 matapos umanong maturukan ng dengvaxia sa kanilang lugar.
Tututukan ng VACC at PAO ang mga may kaso at testigo na nagpatunay na ang kanilang mga kaanak ay nasawi matapos mabakunahan ng anti-dengue vaccine.
Magsasagawa ng presscon sa isang restaurant sa Manila ang VACC at PAO upang ipaalam sa publiko ang masamang epekto umano ng naturang bakuna matapos maturukan ang mga kaanak ng kanilang testigo na hawak ngayon ng naturang dalawamg ahensiya ng gobyerno.
Facebook Comments