Isinusulong ng grupo ng LGBTQ+ Community ang isang ordinansa patungkol sa
Anti-discrimination.
Ayon sa grupo na dapat simulan na ang pagbabago at pagtanggap sa kanila sa lahat ng aspeto.
Maging ang pagrespeto sa kanila ay mariin din nilang iminumungkahi. Ito ay alinsunod sa naganap na issue ng isang transgender na hindi pinayagan sa pambabaeng banyo.
Sa ginawang regular session sa Urdaneta City ay iminungkahi ng mga Councilor na gumawa ng isang ordinansa na maaaring makatulong sa lahat hindi lamang sa grupo.
Sa paunang draft ay ibinase ito mula sa Quezon City ngunit ito ay dinagdagan at ginawang angkop para sa lungsod.
Ang naturang draft ay pag aaralang mabuti ng komite upang malaman ang dapat na isaling institution at mga establisyimento.
Isinusulong din ng grupo ang paglalagay ng gender neutral CR para sa kanila.
Anti-Discrimination Local Ordinance, isinusulong sa Urdaneta City
Facebook Comments