Manila, Philippines – Balak muling ipatupad ng Department Of Transportation (DOTr) ang Anti-Distracted Driving Act (ADDA) ngayong buwan.
Nakatakdang ilathala ng DOTr ang bagong Implementing Rules And Regulations (IRR) ng ADDA.
Pagkatapos ng 15 araw na inilabas ang IRR ay muli itong ipatutupad.
Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante – base sa napagkasunduan sa IRR, maari nang ipatong ang mga gadgets sa dashboard pero hindi na maaring lumampas sa apat na pulgada ang taas nito.
Kung kinakailangang naka-vertical o patayo ang gadget ay dapat na ibaba ito bahagya.
Nilinaw naman ni Galvante na hindi sakop ng batas ang regulasyong tungkol sa pagsasabit ng anumang gamit sa rear view mirror tulad ng rosaryo maging ang mga gamit sa ibabaw ng dashboard gaya ng stuff toy.
Aniya, navigational gadgets lamang ang sakop ng ADDA.
Nabatid na sinuspinde ang ADDA nitong may 23 matapos na magdulot ng kalituhan sa publiko.
DZXL558