Manila, Philippines – Sinuspinde na ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).
Ayon kay House Committee on Transportation Chairman, Rep. Cesar Sarmiento – nagdulot lamang ng kalituhan sa mga motorista ang implementasyon nito.
Aminado si Land Transporation Office (LTO) Chief, Edgar Galvante – nagkulang sila sa pag-aabiso at pagbibigay impormasyon sa publiko.
Isinisisi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada ang pagkakasama ng iba pang gamit gaya ng rosaryo, stuff toy at iba pang display sa dashboard sa mga ipinagbabawal.
Aniya, hindi saklaw ito ng adda, kundi ang Joint Administrative Order (JAO) ng DOTr.
Pansamantala, tututukan muna ng DOTr ang pagpapakalat ng impormasyon sa ADDA.
Sa ilalim ng section 7 ng Anti-Distracted Driving Act, ang DOTr at LTO katulong ang Philippine Information Agency, Department of Education, Department of Interior and local Government, Philippine National Police, mga private agencies at organizations ay dapat na magsagawa ng nationwide information, education at communication campaign sa loob ng anim na buwan mula nang maging epektibo ang batas.
DZXL558