Anti-Distracted Driving Law, ipatutupad na ngayong Linggo; listahan ng mga ipinagbabawal sa mga hahawak ng manibela sa kalsada, alamin

Manila, Philippines – Ipapatupad na sa Huwebes, July 6 ang bagong Implementing Rules And Regulations (IRR) ng Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Law.

Sa ilalim ng bagong IRR, pwede nang maglagay ng electronic devices pero hindi ito dapat lumagpas nang apat na pulgada.

Gayunman, bawal pa ring gumamit ng cellphone ang mga nagmamaneho ng motorsiklo.


Bawal rin itong gamitin sa panonood ng pelikula, pagba-browse sa internet, paglalaro, paggamit ng calculator, pagtawag at pagte-text kahit naka-stop ang traffic light maliban na lamang kung emergency.

Hindi naman ipinagbabawal ang paglalagay ng mga rosaryo, crucifix, figurines, stickers at dashboard toys basta’t hindi ito makakasagabal sa pagmamaneho.

Samantala, ang sinumang lalabag ay papatawan ng limang libong piso para sa first offense, 10-libong piso sa second offense, 15-libong piso sa third offense at suspensyon ng driver’s license sa loob ng tatlong buwan.

At kapag hindi pa nadala, 20-libong pisong multa at tuluyang pagkansela sa lisensya.

Matatandaang May 23 nang ipatigil ang implementasyon ng adda matapos na magdulot ito ng kalituhan sa mga motorista.

Araw-araw kasi ay nadadagdagan ang mga bagay na ipinagbabawal sa ilalim ng batas.

Facebook Comments