ANTI-DIVORCE BILL | CBCP, binatikos ang kongreso hinggil sa pagpasa ng panukalang diborsiyo

Manila, Philippines – Binatikos ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang kongreso hinggil sa pagpasa nito sa panukalang diborsyo.

Itinuturing ng CBCP na isang uri ng pagta-traydor ng mga kongresista sa kanilang mandato ang nasabing panukala.

Maituturing din itong anti-marriage at anti-family dahil sa malinaw na layunin na gawing ligal ang paghihiwalay ng mag-asawa.


Sa ilalim ng nasabing panukala, papayagan ang pahihiwalay ng mag-asawa sa ilang dahilan tulad ng pambubugbog, pagpilit sa asawa na palitan ang kaniyang relihiyon o pananaw sa pulitika at pagkalulong sa alak at iligal na droga.

Pinapayagan din ang mag-asawa na maghain ng absolute divorce kung hindi na sila nagsasama sa loob ng limang taon o higit pa.

Facebook Comments