ANTI-DRUG CAMPAIGN | DDB, nais na amyendahan ang Dangerous Drugs Act of 2002

Manila, Philippines – Isinusulong ngayon ng Dangerous Drugs Boar ang pag-amyenda sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay DDB Chairman Secretary Catalino Cuy, dapat ay iklaro sa batas ang alokasyon sa pondo para sa anti-drug campaign and advocacy.

Aniya, sinasabi lamang sa kasalukuyang batas na maglaan ang mga LGUs ng “substantial” amount sa kampanya sa illegal na droga.


Pero, ang pondo palang inilalagay ay kakarampot at hindi kayang tustusan ang isang seryosong Drug Prevention Program.

Mas klaro pa aniya ang pondo para sa Gender and Development Program kung saan malinaw na nakakakuha ng 5% ng kabuuang annual budget.

Dapat din aniyang tularan ang siatema ng Davao kung saan ang kanilang city jail ay modelo para sa rehabilitation at reformation.

Facebook Comments