Anti-Drug Campaign Patuloy na Tinututukan sa Bayan ng Quirino, Isabela.

Quirino, Isabela- Puspusan paring tinututukan at pinaiigting ng PNP Quirino ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Rostum Ortiguero sa naging talakayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN kahapon, September 8, 2018.

Aniya, mula umano sa dalawampu’t isang barangay sa kanilang bayan ay mayroon umanong isa na naideklarang drug free habang mayroon namang kabuuang bilang na siyamnapu’t pitong tokhang responders sa kanilang bayan at pitumpu’t apat dito ang nakapagtapos na sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP).


Dagdag pa ni PSI Ortiguero ay tuluy-tuloy parin umanong sumasailalim sa CBRP ang mga nalalabing bilang ng mga tokhang responders habang patuloy naman ang kanilang ginagawang pagmomonitor sa mga nakapag tapos na.

Samantala, patuloy din umano nilang tinututukan ang kanilang pagsasagawa ng symposium sa mga paaralan at mga barangay sa kanilang bayan upang maituro sa mga kabataan at iba pang residente ang hindi magandang epekto ng droga.

Facebook Comments