Anti-drugs operations ng Pilipinas, ginaya ng Bangladesh

Bangladesh – Pumalo sa higit 70 tao ang patay sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa Dhaka, Bangladesh.

Sa isinagawang raid, umabot sa mahigit 100 tao ang ikinulong.

Ayon kay Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina, layunin nito tuluyan ng masawata ang iligal na droga sa kanilang bansa.


Mariing ipinoprotesta naman ng ilang militanteng grupo ang kampanya dahil tila inihahalintulad ito sa ‘war on drugs’ sa Pilipinas.

Facebook Comments