ANTI-DYNASTY PROBATION NG COMELEC SA PAGPA-FILE NG COC, SA PARTE LAMANG UMANO NG SK ELECTIONS APPLICABLE

Kung sa preparasyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Pangasinan ang pag-uusapan, handang handa na umano ang hanay ng COMELEC Pangasinan lalo at isa sa pinagmamalaki nilang pinaghandaan umano ay ang pagkakaroon sa kanilang election format ng Anti-Dynasty Probation.
Ngunit kahit may ipinatupad ang COMELEC na ganitong patakaran sa election format, ang Anti-Dynasty Probation ay applicable lamang sa parte ng Sangguniang Kabataan Elections dahil sa layunin nitong maiwasan ang pagkakaroon ng political dynasty o sangay-sangay ng pamilya o kamag-anak sa mundo ng pulitika.
Ayon kay Pangasinan COMELEC Election Supervisor Atty. Marino Salas, maaari umano kasi na kung sakali ang isang nasa pwesto o nasa loob na ng politika ay may mga anak o mga kamag-anak na nais nilang ipasok sa loob ng pamumulitika ay maaari na umano itong maging training ground para maihanda sa mas mataas pang pwesto o posisyon sa politika.

Ibig sabihin, maaaring magfile ng COC ang isang kabataang nasa edad 18-24 years old, kayang magbasa at magsulat, at hindi blood-related o kamag-anak sa kahit na sinong incumbent politician o official.
Ang pinaka fit umano na maaaring magfile ng COC sa SK elections ay 18-24 years old ngunit ang mga birthday ay nasa pagitan ng October 30, 1999 hanggang October 30, 2005 dahil dito umano ang eksaktong edad na maaari lamang payagan ng COMELEC.
Kung sakaling lumagpas sa edad kahit araw lamang ay awtomatiko na itong disqualified at hindi papayagan ng COMELEC sa SK Elections. |ifmnews
Facebook Comments