Anti-endo bill, nananatiling prayoridad ng Duterte admin – Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na ang anti-endo bill ay kabilang pa rin sa mga isinusulong na panukalang batas ng administrasyon kahit hindi ito nabanggit sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinisikap ng Ehekutibo na magkaroon ng “compromise” para matiyak na ang proposed measure ay katanggap-tanggap at pagsasang-ayunan ng lahat ng sektor.

“Talaga isang pangunahin pangako ‘yan ng presidente. Ang naging problema dyan ay nagpasa ng anti-endo bill ang Kongreso pero mayroon mga objectionable portions doon sa bill na yun kaya naging dahilan na vineto ni Presidente pero hindi na po na-mention yan,” ani Roque.


Pagtitiyak pa ni Roque na hindi pa binibitawan ni Pangulong Duterte ang kanyang pangakong ayusin ang hindi patas na pagsasagawa ng kontraktuwalisasyon.

Sa ilalim ng Security of Tenure Bill, layon nitong tapusin ang labor-only contracting o end of contract.

Ang panukalang batas ay vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019 dahil sa hindi ito patas sa panig ng mga employer.

Facebook Comments