
Tiniyak ng Senado na nakalagay sa bicam-approved version ng 2026 General Appropriations Bill (GAB) ang ‘anti-epal’ special provision.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, nagpasok sila ng special provision na nagsasaad na bawal na ang mga politiko, maging ang kanilang kinatawan, mga tarpaulin at paraphernalia sa pamamahagi ng ayuda ng mga ahensya.
Saklaw naman na ng Anti-Epal provision ang pagbabawal sa pag-iisyu ng mga mambabatas ng guarantee letter para sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP.
Nakapaloob sa anti-corruption provision ang pagoobliga na may coordinates at granular data o kumpletong detalye ng lokasyon at sukat ng lahat ng mga infrastructure projects tulad ng flood control, farm-to-market roads, tulay at mga paaralan.
Tiwala si Gatchalian na dahil sa mga probisyong ito ay imposible nang magkaroon ng ghost o substandard projects sa national budget.










