ANTI-FLU VACCINE, NAIPAABOT SA MGA KATUTUBO MULA SA LIBLIB NA BAHAGI NGSAN NICOLAS

SAN NICOLAS, PANGASINAN – Naipaabot sa mga indigenous people (IP) ng Brgy. Fianza, San Nicolas na itinuturing na Geographically Isolated and Disadvantaged Area o GIDA ang mga bakuna kontra trangkaso.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 50 indibidwal ang naturukan laban sa flu ngayong influenza season kung saan pito rito ay senior citizen habang 43 adults naman ang iba.

Saludo naman ang LGU sa mga medical frontliner mula sa Local RHU na nagtungo sa liblib na barangay upang maihatid ang serbisyong medical sa mga katutubo sa naturang barangay.


Magugunita na noong nakaraang buwan, nagtungo rin ang team sa Brgy. Malico, na isa ring GIDA at pinakamalayong barangay ng San Nicolas na nasa border ng Nueva Vizcaya, para sa pagbabakuna ng covid-19 vaccine sa mga IPs, hatid ang immunization program ng pamahalaan.

Facebook Comments