Manila, Philippines – Pinaigting ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang kampanya kontra fraud upang matiyak ang full implementation ng Universal Health Care Law.
Ayon kay PhilHealth acting President Roy Ferrer – nakipag-partner sila sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang National Bureau of Investigation (NBI) para habulin ang mga health institution at professionals na sangkot sa misconduct, breach sa accreditation, claims para sa mga namatay na pasyente at iba pang grounds for impeachment.
Dagdag pa ni Ferrer – ang Philippine Medical Association and Philippine Hospital Association at tutulong din sa PhilHealth na komprontahin ang mga ospital habang ang Professional Regulation Commission (PRC) ay paparusahan ang mga dishonest health professionals.
Nitong 2018, nakapagsampa ang PhilHealth ng 5,000 kaso laban sa mga health care institutions at professionals at nasa 71 ospital sa buong bansa ang na-penalized dahil sa breach in accreditation and misconduct.