ANTI-GRAFT | Mataas na opisyal ng Social Housing Finance Corporation iniimbestigahan na ng NBI

Manila, Philippines – Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa umano’y paglabag sa anti-graft law ng isang mataas na opisyal ng Social Housing Finance Corporation (SHFC), ang SHFC ay nasa ilalim ng Office of the President na kabilang sa mga nangangasiwa ng mga programang pabahay tulad ng sa Tacloban at sa Marawi City.

Sa paunang impormasyon mula sa NBI Special Action Unit sakop ng imbestigasyon ang pagtanggap ni Attorney Ricardo Cabling; pangulo ng Social Housing Finance Corporation ng 4- na milyong pisong tseke na mula sa isang inorganisang komunidad para sa ibinentang lupain na pagmamay ari ng kanilang pamilya na ipinasok sa programa ng gobyerno sa ilalim ng kanyang tanggapan.

Iniimbestigahan din ng NBI ang umano’y paggastos ng P1-milyong pisong  pondo ng kanyang tanggapan para sa 2 buwang hotel accommodation sa Jupiter Hotel sa Makati City ng binuong Grassroot Action Team (GSAT) – na binubuo ng halos 30 – field officers noong 2017.
Napag-alaman sa imbestigasyon na umabot di umano sa 2-milyong piso ang gastos ng kanyang tanggapan para sa plane tickets ng mga GSAT Field Officers na idinaan sa Zions Peak Travel Agency mula sa Davao.


Ayon kay Attorney Cabling, inihayag nito na personal siyang nagtungo sa NBI Special Action Team upang sagutin ang mga paratang at ang paratang laban sa kanya ay bunsod umano ng kaniyang mga nasagasaan, sa ipinatutupad na internal cleansing laban sa korapsyon.

Facebook Comments