“Anti-Half Naked Ordinance” sa siyudad ng Cauayan – aprubado na

Cauayan, Isabela – Inaprubahan na kahapon sa huling pagbasa ng mga kasapi ng sangguniang panglungsod ng Cauayan ang ordinansang ini-akd ni sangguniang Panglungsod Member Reynaldo Uy, ang Anti-Half Naked Ordinance.

Ipagbabawal na sa mga pampublikong lugar ang mga taong walang suot pang itaas.

Ayon kay Councilor Uy, kinakailangan na maging disente ang isang tao lalo na kung ito ay nasa labas ng kaniyang tahanan.


Kabilang sa mga pampublikong lugar ay ang parke, kalsada, bahay-kainan at paaralan.

Limang daan hanggang isang libo at limang daang piso at limang araw na pagkakakulong ang magiging multa ng sino mang lalabag.
DZXL558

Facebook Comments