Manila, Philippines – Niratipikahan na ng Senado ang reconciled version na nagbibigay ng mabigat na parusa sa hazing.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, chairperson ng senate panel sa Bicameral Committee – ang reconciled version ng senate bill 1662 at house bill 6573 ay aamyendahan ang Anti-Hazing Act of 1995 (Republic Act 8049) para tuluyang ipagbawal ang hazing at parusahan ang mga magtatangkang pagtakpan ang mga masasangkot.
Tinaasan din ang parusa para sa mga opisyal o miyembro na nakasaksi ng hazing kahit hindi ito nakilahok.
Kapag naratipikahan na ito ng Kamara, saka ito ipapadala para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang namatay sa hazing rites ng Aegis Juris Fraternity ang UST freshman law student na si Horacio Castillo, III Setyembre ng nakaraang taon.