ARMM – Mas magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng mahigpit na pagbabantay sa mga paliparan at pantalan sa Autonomous Region and Muslim Mindanao o ARMM.
Ito ay upang labanan ang nagaganap na human trafficking at illegal recruitment.
Ayon kay PNP Regional Director Police Chief Supt. Graciano Mijares maliban sa kanilang ginagawang mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan at paliparan, malaki rin aniya ang naitutulong ng pagpapalakas ng naval station sa ARMM upang mamonitor agad ang mga iligala na aktibidad.
Pinayuhan rin ni Mijares ang mga nagnanais na maging Overseas Filipino Workers na huwag tatangkilin ang mga alok na trabaho abroad kung gagamit ng southern backdoor ng bansa dahil ito ay iligal.
Bukod sa pagpigil sa human trafficking at illegal recruitment layunin rin ng mas mahigpit na pagbabantay ng mga pantalan at paliparan sa ARMM ay maprotektahan ang mga sibilyan at mga potential investors laban sa banta ng terorismo.
ANTI-HUMAN TRAFFICKING | Mas mahigpt na pagbabantay sa mga pantalan at paliparan sa ARMM, ipapatupad
Facebook Comments