Manila, Philippines – Nakipagkita kay Justice secretary Menardo Guevarra ang kinatawan ng US-Department of Justice, Salvation Army at mga opisyal ng International Justice Mission.
Layon nito na repasuhin ang anti-human trafficking activities ng DOJ, NBI at PNP.
Hinangaan naman ng international community ang anti-human trafficking efforts ng Pilipinas dahil bagamat hindi pa tapos ang 2018 ay nalagpasan na nito ang target.
Partikular na napansin ng United States-Department of Justice at ng mga kinatawan ng international justice mission ang mahusay na paglaban ng bansa partikular sa online sexual exploitation.
Sa hawak na datus ng International Justice Mission, sa nakalipas na 9 na buwan , 90 biktima ng human trafficking ang nailigtas kasabay ng pagkaka-aresto sa 36 suspek.