Mas pinaiigting pa ang kampanya kontra sa illegal na droga at anti-smoking sa San Roque, San Manuel, Pangasinan.
Sa pangunguna ng 2nd Provincial Mobile Force Company, namahagi ng mga flyers na may nilalaman tungkol sa Crime Prevention Tips, PTF ELCAC program, Anti-Illegal Drug Campaign, Anti-Smoking at Vaping Awareness, pati na rin ang mga hotline numbers ng tanggapan na maaaring tawagan para sa agarang tulong.
Nagkaroon din sila ng talakayan sa mga residente upang mas lumawak ang kanilang pagkaunawa sa mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa kanilang lugar.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng kanilang patuloy na paghahatid ng mga impormasyon at kamalayan ukol sa seguridad at kaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







