ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATION | 4 na drug suspek, arestado sa magkahiwalay na lugar sa Maynila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay na pulisya ang apat na drug suspects, kabilang ang dalawang babae, matapos na magsagawa ng anti-illegal drug operation sa magkakahiwalay na operasyon ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Maynila.

Unang nasakote ng mga operatiba ng Station 3 ng MPD ay nakilalang si Bryan Devilla 34 anyos construction worker na naaresto ng mga nagpapatrulyang pulis mula sa Blumentritt PCP.

Nakuha mula kay Devilla ang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Samantala, nadakip naman sina Joan Guanzon, Divine Beltran at Robin Paul Tan sa PNR malapit sa Claudio Street, Barangay. 825, Pandacan.

Nahulihan sila ng limang sachet ng umano ay shabu.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments