Manila, Philippines – Tapos na ang maliligayang araw ng apat na drug suspects matapos silang maaresto sa anti-illegal drug operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.
Unang dinakip ang construction worker na si Bryan Devilla kung saan nakuha sa kaniya ang isang plastic sachet ng shabu.
Sunod na naaresto at nakuhanan ng limang sachet ng shabu sina Joan Guanzon, Divine Beltran at Robin Paul Tan sa Claudio Street, Barangay 825 sa Pandacan.
Pare-pareho ang paliwang ng apat na suspek kung saan kanilang sinabi na kahirapan ang siyang naging dahilan para magbenta sila ng iligal na droga.
Facebook Comments