ANTI-ILLEGAL DRUGS | Lalake, Timbog sa Pagtutulak ng Droga sa Dagupan!

Dagupan City – Sa patuloy at mahigpit na anti-criminality campaign na pinapatupad ng hanay ng PNP, mas bumaba umano ang krimen dahil narin sa sunod sunod na pagkakahuli ng mga matitigas parin ang ulo at ayaw lubayan ang mga ilegal na gawain. Patunay dito ang pagkatimbog sa isang 37 anyos na lalake sa Buy Bust Operation na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) Dagupan City noong Lunes.

Kinilala ang suspect na si Nylon Malatag residente ng Bonuan Gueset Bagong Barrio Dagupan City. Nahuli si Malatag matapos itong kumagat sa asset ng pulisya na tulak ng ipinagbabawal na gamot. Sa halagang 500 pesos ipinagbili ng hinihinalang shabu sa asset at agad na inaresto si Malatag ng Pulisya. Ang plastic ng Shabu ay dadalhin sa Philippine Drug Enforcement Agency Office (PDEA) upang suriin at gawing ebidensya laban sa suspect.

Sa ngayon ang biktima ay naka kulong sa PNP Dagupan at kakasuhan sa paglabag ng Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Matatandaang sa nakaraang SONA ng Pangulong Duterte iginiit nitong hindi magiging sideline ng administrasyon ang anti-illegal drug campaign bagkos ay mas pa-iigtingin nito ang kampanya laban sa ilegal na droga na suportado ng buong hanay ng PDEA katuwang ang PNP, AFP, at iba pang ahensya.

Facebook Comments