ANTI-ILLEGAL DRUGS OPERATIONS | PNP, inobliga ng SC na magsumite ng dokumento; Susunod na hakbang ng PNP, isasangguni muna kay SolGen Calida

Manila, Philippines – Isasangguni muna ng Philippine National Police kay Solicitor General Jose Calida ang kanilang mga sunod na hakbang.

Kasunod ng naging desisyon ng Supreme Court na pagoobliga na sa kanilang isumite ang mga dokumento may kaugnayan sa kanilang anti-illegal drugs operations.

Sa resolusyon na inilabas ng Supreme Court, may mga Supreme Court Justices ang hindi pumabor sa apela ni Solicitor General Jose Calida na huwag nang isumite ang mga imbestigasyon ng PNP kaugnay sa pagkamaay ng 4 na libong drug suspek na umano’y nasawi sa legitimate operations ng PNP dahil sa national security issue.


Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao, iginigalang nila ang desisyon ng Sumpreme Court pero gagawa sila ngayon ng mga legal na paraan kasama si Solicitor General Calida.

Ang tinitiyak lamang aniya nila ngayon sa publiko ay naayon sa batas ang kanilang kampanya kontra iligal na droga at interes ng publiko ang kanilang prayoridad sa pagpapatupad nito.

Sa ngayon, binibigyan ang PNP at si Calida ng labing limang araw para isumite ang mga dokumento na naglalaman ng pangalan, tirahan, police operational plans at iba pang mahahalagang impormayson kaugnay sa Oplan Tokhang operations mula July 1 2016 nang maupo bilang Pangulo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments