ANTI-ILLEGAL GAMBLING | 6 na tao ipinakulong dahil sa pagsusugal ng pusoy sa Makati City

Makati City – Inaresto ng mga pulis ang anim na tao dahil sa pagsusugal ng pusoy sa Barangay Tejeros, Makati City.

Kinilala ang mga ito na sina Berto Haloc, 52-anyos, Rodel Villanueva 42-anyos, Edgardo Manicat 52-anyos, Petronio Tuazon 60-anyos, Napoleon Butaon Jr., 52-anyos at Margie Baloro 38-anyos.

Ayon kay SPO2 Fongkot, ng Makati police, isang concerned citizen ang nagsumbong sa pagsusugal ng mga suspek.


Para beripikahin inikot aniya nila ang Barangay Tejeros at pagdating ng H. Santos Street, naaktuhan pa ang mga ito na nagsusugal.

Nakumpiska naman ng mga pulis ang ginamit na baraha at pamusta na P260 ng mga ito.

Dinala sa presinto ang 6 na suspek at kinasuhan ng Presidential Decree 1602 o Anti-Illegal Gambling.

Facebook Comments