Hindi magandang tugon sa isyu ng red tagging ang suhestiyon na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Leyte 4th district Rep. Lucy Torres-Gomez na maaaring masayang ang ginagawang anti-insurgency drive ng gobyerno kung tuluyang aalisan ng pondo ang NTF-ELCAC.
Paliwanag ng kongresista, malaking bahagi naman ng pondong nakalaan sa task force ay ginagamit sa mga programa ng mga barangay na idineklarang insurgency free.
Sa ngayon, nasa P10.68 billion na mula sa P19 billion na kabuuang budget para sa 2021 ang inilabas ng gobyerno batay sa datos mula sa Department of Budget and Management.
Facebook Comments