Davao City – Isang Committee Hearing ang gaganapin ngayong araw sa Davao City Council upang pag-usapan ang legalidad ng proposed Anti-Islamic State (IS) Recruitment Ordinance sa Davao City na magbibigay parusa sa sinoman na mapapatunayang sangkot sa teroristang grupo na Islamic State (IS).
Ayon kay Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte, halos kumpleto na ang Anti-Islamic State Ordinance pero kailangan pa itong i-finalize ng Committee on Public Safety para masiguro na walang national law ang mako-kompromiso.
Ang inisyal na parusa sa mga lalabag sa batas ay P5,000 na multa at pagkabilanggo ng isang taon.
Parurusahan din sa proposed ordinance ang sino man na makikitang magwawagayway sa flag o bandila ng ISIS.
Facebook Comments