Anti-Olympics petition sa Japan, umabot na sa 200-K signatures

Umabot na sa higit 200,000 ang pumirma sa petisyon na napagpapatigil sa darating na Tokyo Olympics sa Japan sa loob lamang ng dalawang araw dahil sa pangamba na pagkalat ng COVID-19.

Ang Anti-Olympics Online Petition ay naglalayong makuha ang atensyon nina International Olympic Committee President Thomas Bach, Japanese Prime Minister Yoshihide Suga at iba pang organizers na ipatigil ang nasabing event.

Magugunitang nagdesisyon ang organizers na lilimitahan lamang ang mga delegado at kasamang mga atleta na sasabak sa Olympics.


Bibigyan naman ng libreng dose ng Pfizer-BioNTech ang Olympics at Paralympics na inaasahang aabot ng 15,000 na atleta.

Facebook Comments