Tinatalakay na ang magiging kabuuang nilalaman ng ordinansang magtatakda ng karampatang proteksyon at interbensyon kontra online sexual exploitation sa mga kabataan sa Mangaldan.
Bahagi ng ordinansa ang adbokasiya at pangangailangan na protektahan ang kabataan sa kabila ng mataas na kaso sexual exploitation sa bansa.
Sa ngayon, pinupulido pa ang ibang aspekto ng ordinansa tulad ng information drive sa mga posibleng biktima, counselling at pagbubukas ng Bahay Kalinga na maaaring lapitan ng mga biktima.
Tiniyak naman ng mga opisyal na binibilisan nang isaayos ang mga suhestyon, ideya at koordinasyon sa kapulisan upang agad maipatupad ang ordinansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









