Anti-overloading policy suspension, pinalawig

Manila, Philippines – Pinalawig pa ang suspensyon ng pagpapatupad ng anti-overloading policy sa ilang uri ng truck at trailer.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nagpatupad ng re-extension ang Department of Transportation (DOTr) sa enforcement ng maximum allowable gross vehicle weight para sa mga truck at trailer na may 18 at 22 gulong.

Nagkasundo sina DPWH Secretary Mark Villar at DOTr Secretary Arthur Tugade na i-urong ang anti-overloading policy mula sa dati nitong deadline na June 30, 2019.


Sinabi ni Secretary Villar – mabibigyan ng sapat na panahon ang mga truck o trailer owner na mag-upgrade ng kanilang units bago dumating ang Hulyo a-uno.

Ang mga iba pang truck at trailer codes ay dapat sundin ang current maximum allowable gross vehicle weight sa ilalim ng anti-overloading policy.

Facebook Comments