Anti-Pneumonia Vaccine, sisimulan na sa susunod na linggo sa Cainta, Rizal

Magsasagawa ng Anti-Pneumonia Vaccine ang pamahalaang bayan ng Cainta, Rizal upang mapalakas ang mga immune system ng mga residente sa naturang bayan.

Ayon kay Cainta Rizal Mayor Keith Nieto, mayroon 10 bagong nagpositibo sa COVID-19, pagkatapos ay pito naman ang gumaling, kaya meron umanong tatlong nadagdag sa active cases ng Cainta, Rizal.

Paliwanag ng alkalde, mahigpit ang kanyang direktiba sa lahat ng mga barangay na palagiang magsuot ng face mask at face shield ang lahat tuwing lalabas ng bahay upang matiyak na ligtas sa COVID-19.


Dagdag pa ni Nieto na sa susunod na linggo ay magsisimula na ang Cainta Rizal Government ng Anti-Pneumonia Vaccine sa targeted sectors.

Inaantabayanan din nila ang pagdating ng mga tauhan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa kanilang lugar upang mag-obserba kung papaano tumugon ang Cainta Rizal Government sa problema ng COVID-19 at ma-assist nila ang sitwasyon.

Facebook Comments