Anti-POGO bill, ihahain ng makabayan bloc ngayong araw

Nakatakdang ihain ngayong araw ng mga kongresista na bumubuo sa Makabayan Bloc ang panukaang batas na magbabawal sa Philippine Offshore gaming Operators o POGO sa Pilipinas.

Ayon kay deputy minority leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro, aamyendahan ng ihahain nilang panukala ang Republic Act 11590 na patungkol sa pagpapataw ng buwis sa POGO.

Giit naman ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, dapat ideklara ng ilegal ang operasyon ng POGO sa bansa dahil pinapahamak lang nito ang ating mga kababayan.


Punto ni Manuel, aanhin ang pangako nitong pagpapalakas sa ating ekonomiya at pagbibigay ng trabaho kung ginagawa nitong pugad ng mga criminal activities ang ating bansa.

Facebook Comments