Thursday, February 19, 2026

Anti-Political Dynasty Bill, target na maisama sa SONA ni PBBM

Inihayag ni House Committee on Suffrage and Electoral Reform Chair at Lanao Del Sur Representive Zia Alonto Adiong na target maisama ang panukalang Anti-Political Dynasty sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo.

Kaya naman ayon kay Adiong, pagsisikapan nila na ito ay maisabatas bago mag-break ang session ng Kongreso ngayong Marso para sa paggunita ng Mahal na Araw para maipadala na sa Malakanyang para sa pag-apruba ng pangulo.

Diin ni Adiong ang Anti-Political Dynasty Bill ay kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC kaya ito ay kanila ng minamadali.

Sinabi ito ni Adiong matapos ang public consultation kaugnay sa panukala na idinaos ngayong araw sa University of the Philippines sa Cebu City na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.

Facebook Comments