Friday, February 27, 2026

Anti-political dynasty, dapat maipatupad na sa susunod na local at national elections

Umaapela si Senator JV Ejercito na dapat maumpisahan na sa susunod na national at local election ang pagbabawal sa political dynasty.

Sa pag-endorso ng senador sa panukala sa plenaryo, nakita aniya na napipigilan ng political dynasty ang pag-unlad ng ekonomiya at lipunan.

Ito ay dahil pinakyaw na ng iilang pamilya ang mga pwesto sa gobyerno na mistulang family business.

Tinukoy ni Ejercito na batay sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), 71 sa 82 provincial governments ay pinamumunuan ng mga myembro ng political families.

Dagdag pa rito ay mayroong 78 sa 156 na party-list organizations ang may mga kaugnayan sa pamilya ng mga politiko.

Malaki ang pag-asa ng mambabatas na tuluyang ipagbabawal ang political dynasty dahil nauna na itong naipatupad sa Sangguniang Kabataan.

Facebook Comments