ANTI-POOR? | PUV modernization, pinagtanggol ng Malacanang

Manila, Philippines – Nilinaw ng Malacañang na hind ‘anti-poor’ ang Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ito ay taliwas sa mga sinasabi ng transport groups.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry roque – may mga programa ang pamahalaan para sa mga tsuper na nais makabili ng bagong jeepney unit kabilang na ang pautang ng Department of Finance.


Iginiit din ni Roque – na hindi aalisin ang mga jeepney sa mga kalsada.

Ang tanging aniyang layunin ng Jeepney Modernization Program ay mapaunlad ang sektor ng transportasyon sa bansa.

Facebook Comments