Manila, Philippines – Naniniwala ang simbahang katolika na ‘anti-poor’ o hindi para sa mahihirap ang divorce bill.
Ayon sa Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mas dadami lang ang maghihiwalay na mga mag-asawang oras na maisabatas ito.
Aniya, pinapayagan naman na ng simbahan na maghiwalay ang mag-asawa kapag may nangyaring pang-aabuso o pagtataksil.
Sa kabila nito, tila wala nanamang tsansang umusad ang usapin ng diborsiyo sa Senado.
Bukod kasi sa wala pang nakabinbin na divorce bill sa Senado, kailangan pa ng mahabang konsultasyon sa iba’t-ibang sektor bago makapagdesisyon ukol dito.
Facebook Comments