Inilunsad ngayon ng Department Of Health (DOH) ang “anti-rabies campaign”, para paalalahanan ang publiko na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang mga hayop.
Kasabay ng Rabies Awareness Month, muling iginiit ni Health Secretay Francisco Duque III na pabakunahan ng may-ari ang kanilang alaga lalo na at lumalabas sa pag-aaral na 99 percent ng mga nagkakaroon ng rabies ay dahil sa nakagat sila ng aso.
Babala din ng DOH na kung umabot ang rabies virus sa utak ay maaaring mamatay ang pasyente sa loob lang ng 1o 2 araw.
Kaya mahalaga din daw na agad magpaturok ng anti-rabies vaccine sa mga Animal Bite Treatment Centers sa bawat Barangay o Lungsod ilang oras matapos makagat o makalmot.
Katuwang ng DOH sa kanilang kampaniya na may temang “makiisa sa barangayan kontra rabies, maging responsableng pet owner” ang Department of Agriculture, DILG at mga Local Government Units.