ANTI-RABIES VACCINATION SA MGA ALAGANG HAYOP SA SAN NICOLAS, PINAIIGTING

Pinaigting ng San Nicolas Agriculture Office ang pagsasagawa ng malawakang anti-rabies vaccination drive kada buwan bilang paghahanda sa Rabies Awareness Month ngayong Marso.

Sa pagtatala ng tanggapan, umabot sa 1,273 na alagang hayop ang naturukan kung saan 966 ang aso at 307 naman ang pusa na karamihan ay nagmula sa Brgy. San Roque, Brgy. Malilion at Brgy. San Felipe West.

Kaakibat ng pagbabakuna ang paalala ng mga personnel sa responsableng pet ownership upang maiwasan ang pagala-galang aso na maaaring pagmulan ng rabies.

Magpapatuloy ang malawakang bakunahan kontra rabies sa kasagsagan ng Rabies Awareness Month at magtatagal hanggang April 10. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments