Anti-Red Tape Authority, sinisilip na ang proseso ng aplikasyon para mapabilis ang paggamit ng Ivermectin sa COVID-19 patients

Nakipagpulong na ang Anti-Red Tape Authority o ARTA sa iba’t ibang pharmaceutical companies at mga stakeholders para sa posibilidad na magamit na rin ang gamot na Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID.

Sa virtual press briefing ng ARTA, sinabi ni Director General Atty. Jeremiah Belgica na wala pa naman silang nakikitang red tape sa proseso ng Food and Drug Administration (FDA).

Gayunman, sinabi ni Belgica na ngayon pa lang ay nais na nilang masilip ang proseso para sa application ng pharmaceutical companies para mapabilis ang paggamit nito sa mga pasyenteng may sakit.


Ayon sa FDA, sa ngayon ay wala pa rin namang application para sa Emergency Use ng Ivermectin para sa mga tinamaan ng COVID.

Nakatakdang makipagpulong ang ARTA sa Department of Health (DOH) para plantsahin ang mga posibleng rekomendasyon sa paggamit ng Ivermectin sa bansa at matukoy kung maaari bang maisama ang Ivermectin sa treatment plant sa COVID-19.

Facebook Comments