Kakausapin ngayon ng Anti-Red Tape Authority o ARTA ang grupo ng Transport Network Vehicles Services o TNVS hinggil sa reklamo nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Ayon kasi sa mga nag-aaplay na mga operator ng TNVS, masiyado nang matagal ang proseso kahit pa kumpleto na sila ng requirements para makakuha ng Certificate of Public Convenience (CPC).
Dahil dito, sinabi ni Asec. Ernesto perez ng arta na bukas ng alas-10:00 ng umaga niya kakausapin ang grupo ng TNVS sa opisina niya sa Makati City habang sa lunes naman ang pamunuan ng LTFRB.
Ito’y upang pag-usapan ang nasabing problema lalo na’t iginigiit ni dating LTFRB board member at ngayo’y Civil Service Commissioner Atty. Aileen Lizada na isa sa mga opisyal ng LTFRB ang talagang nagpapabagal ng proseso at patuloy na nagdadagdag ng requirements kahit pa hindi ito nasasaad sa panuntunan ng ahensiya.
Matatandaan na ilang buwan ng naghihintay ng CPC ang mga nagsipag-aplay na operator ng TNVS pero wala pa din resulta kaya’t balak nilang magsagawa ng transport holiday sa lunes.