
Magde-deploy ang Estados Unidos ng American Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS) anti-ship missile system para sa 2025 Balikatan exercise sa Abril.
Ito ang inanunsyo ni United States (US) Defense Secretary Pete Hegseth matapos makipagpulong kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr.
Kasama rin sa plano ang pagkakaroon ng bilateral special forces training sa Batanes at ang pagpapalakas ng defense industrial cooperation at combined logistics support.
Ayon kay Hegseth, nais nilang mare-establish ang “deterrence” sa Indo-Pacific Region para maging malaya ang Pilipinas sa anumang banta.
Kanya namang sinabi na ang lahat ng mga ito ay simula pa lang ng mas malalim pa ng ugnayan ng 2 bansa.
Sa panig naman ni Teodoro, nagpasalamat ito sa suporta ng US at sinabing isang karangalan ang pagbisita ni Hegseth sa Pilipinas.
Samantala, bumwelta si Teodoro sa pahayag ng China na mouthpiece ng US ang Pilipinas.
Ani Teodoro, limitado ang “worldview” ng China at hindi pumapatol ang Pilipinas sa anumang propaganda.