Cauayan City, Philippines – Inaprubahan na ng mga kasapi ng Sangguniang Panglungsod ng Cauayan sa Isabela ang ordinansang anti-spitting na ipinanukala ni City Councilor Faustino Gapasin, sectoral representative for indigenous people.
Ayon kay Sangguniang Panglungsod Gapasin, layunin ng nasabing ordinansa na mailayo sa ibat ibang sakit ang mamamayan partikular ang tuberculosis na naikakalat sa pamamagitan ng pagdudura.
Kaugnay nito, nilinaw ni gapasin na hindi sinisikil ng nasabing ordinansa ang naka-ugalian ng ilang mga katutubo na gumagamit ng nganga o bittle.
Pinayuhan nito ang mga nag-nganganga na magdala ng empty bottle at doon ilagay ang kanilang dura.
Papatawan ng multang ang sinumang lalabag dito kapag ito ay tuluyan nang maipatupad.
Isang libo para sa unang paglabag, dalawang libo para sa second offense at tatlong libo para sa ikatlong paglabag.