Manila, Philippines – Pinayuhan ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang mga estudyante na palaging dalhin ang kanilang ID at magpahatid o magpasundo mula sa kanilang mga magulang o guardian.
Ito ay para maiwasang masita ng mga pulis sa pagiging tambay.
Ayon kay Briones, ipinauubaya na ng DepEd sa mga pribadong eskwelahan kung ano ang mga ipatutupad nitong measures para protektahan ang kanilang mga estudyante.
Pero sa mga estudyanteng nagko-commute lamang, ugaliing isuot ang ID para hindi makwestyon ng mga pulis.
Ang mga estudyante naman sa public schools ay mayroong unique student numbers na naka-imprenta sa kanilang mga ID na hindi magbabago kahit lumipat sila ng ibang paaralan.
Facebook Comments